4

Oct 31, 2020 @ 20:57

PFL: Maharlika angat sa Stallion

KINALDAG ng Maharlika Manila FC ang Stallion Laguna FC 2-1 nitong Sabado sa 2020 Philippine Football League sa Carmona, Cavite.

Si substitute Jeremy Theuer ang naging susi ng pag-ungos ng Maharlika matapos maka-iskor sa 74th minute.

Si Jose Montelibano naman ang nagbigay ng panabla sa iskor na 1-1 para masayang ang unang puntos na kinubra ng Stallion sa pangunguna ni Ibrahim N’ Dour.

Ikinatuwa naman ito ni Maharlika Head coach Roxy Dorlas dahil parehong substitute pa ang umiskor sa koponan.

“If you noticed, it’s two subs who scored the two goals. I’m just extremely happy and looking forward to the next game,” saad ni Dorlas. (Aivan Episcope)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?