7

May 11, 2021 @ 16:45
By

PFL champs lilipad pa-Uzbekistan

Lilipad papuntang Uzbekistan ang Philippines Football League (PFL) champion na United City FC para makipagsagupaan sa darating na AFC Champions League.

Ang nasabing bansa lamang ang magiging venue ng torneo, at hindi na magiging home-and-away ang format dahil na rin sa pag-iwas na magkaroon ng COVID-19 ang lahat ng manlalaro.

Ang United FC ay ibabandera nina Stephan Schrock at Bienvenido Maranon.

Ilan sa makakaharap nila sa Group 1 ng torneo ay ang Kawasaki Frontale ng Japan at Beijing FC mula sa host country.

Ang AFC Champions League ay gaganapin mula Hunyo 25 hanggang Hulyo 11.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?