14

Mar 29, 2021 @ 18:04
By

Pfizer pa! Olympian boxer Marcial tapos na bakunahan

Protektado na laban sa COVID-19 ang Pinoy boxer na si Eumir Marcial na sasabak sa Tokyo Olympics.

Sa tweet ni Marcial, binahagi niya na tapos na ang second dose niya sa Pfizer vaccine.

Nasa Amerika si Marcial kasama sina IBF superflyweight champ Jerwin Ancajas at iba pang Pinoy para mag-ensayo.

Lalaban si Marcial sa Olympics kung saan target nitong magkaroon ng medalya sa men’s middleweight class.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?