78

Jun 14, 2021 @ 20:31
By

Pfizer bakuna ibabagsak sa Metro Manila, Cebu, Davao

Ilalaan ang mga COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer- BioNTech sa mga lugar na may kakayahang hawakan ang mga sensitibong bakuna.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon, malamang na ibigay ang mga Pfizer vaccine sa Metro Manila, Cebu at Davao.

Dagdag niya, sinusuri ng Department of Health ang mga LGU na mayroong mga storage facility upang mahawakan nang maayos at mai-deploy ang mga bakunang Pfizer.

“It’s important to note that Pfizer vaccines, because their handling is relatively delicate, are being sent to LGUs and provinces with ‘proven’ capability to handle the vaccines. What we are looking into is their ability to store and to handle (the vaccines) at minus 80 degrees Celsius,” paliwanag ni Dizon.

Maliban aniya sa Metro Manila, Cebu at Davao, mayroon pang lungsod at munisipalidad sa Central at Southern Luzon, Region 6 at Mindanao na may kakayahang hawakan ang mga nasabing bakuna.

Noong nakaraang linggo lumapag sa Pilipinas ang may 2.2 milyong dose ng Pfizer vaccine mula sa COVAX Facility.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?