118

Apr 19, 2020 @ 18:45
By

PFDA nainis! Barker ng Navotas fish port, binansagang COVID positive ng ex-mayor

Binuweltahan ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) si Randy James Amo, dating mayor ng Laurel, Batangas, matapos paratangan nito na positibo sa COVID-19 ang isang barker ng Navotas Fish Port.

Sa pahayag ng PFDA, sinabi nila na hindi nagha-hire ng mga barker ang ahensya, at hindi rin umano awtorisado ang dating mayor na sabihin kung positibo o hindi ang isang tao sa virus.

“Upon PFDA’s consultation with the local government of Navotas City, local health officials likewise had no idea where the personalities in the video had gotten their wrong information,” saad ng asosasyon.

“As per the local health officials, only their office and the Department of Health are authorized to confirm the existence of COVID-19 cases in Navotas City, and none of which involved an NFPC worker,” lahad pa.

Ang nasabing pahayag ng ex-mayor ay kanyang in-upload sa social media, kung saan kasama niya ang Taal Lake Central Fish Port admin officer na si Agnes Artista, na nilinaw ng PFDA na hindi nila hawak.

Sa ngayon ay pinag-aaralan ng PFDA ay pwedeng maikasyo kay AMo at Artista dahil sa pagpapakalat umano ng fake news.

“Herefore, the PFDA is committed to upholding the interest of our fishing industry front-liners such as the fishermen and fish port laborers who have been working hard to ensure the continuous supply of fish, as well as for the interest of all communities that have been aggravated by the wrong information that Mr. Amo and Ms. Artista have been perpetuating in this time of crisis.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?