17

By

PEZA tumiklop sa away vs. DTI sa CITIRA

Nagpatawag ng special board meeting sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) kahapon si Trade Secretary Ramon Lopez, na siya ring umuupo bilang chairman ng PEZA.

Ayon sa pahayag ni Lopez, Oktubre 9, 2019 nagkasundo na raw sila ng PEZA sa usapin ng mga tax break na nakukuha ng mga kompanyang nasa ecozone na nagbabantang aalis sa Pilipinas sakaling tanggalan sila nito.

Sabi ni Lopez, nirerepaso pa ang mga probisyon sa sinusulong na Corporate Income Tax and Incentives Rationalization Act (CITIRA) para matugunan ang mga alinlangan ng mga kompanya, na alinlangan din ng ibang senador.

Nagsulong kasi ng panukala ang PEZA sa ilang mambabatas para tanggalin na sila sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI) dahil hindi sila magkasundo sa CITIRA, kahit pa DTI ang chairman ng board nito.

Sabi ni Lopez, pinag-uusapan na kung ilang taon ililibre ng buwis ang mga kompanya at kung maaring mas mababang buwis ang ipataw sa mga bagong proyekto.

“With these adjustments, the PEZA Board, together with its management led by the Director General Charito Plaza, has officially aligned its position to give strong support to the CITIRA,” dagdag ni Lopez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?