34

Nov 2, 2019 @ 15:08
By

Petron, may price rollback sa susunod na linggo

Nakatakdang magpatupad ng pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ang kumpanyang Petron Corporation sa susunod na linggo.

Base sa abiso ng Petron Corporation, magtatapyas sila ng tig-P0.10 kada litro sa gasolina, kerosene at P0.25 sentimo naman sa diesel.

Pahayag ng nasabing kumpanya, ang kanilang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ay epektibo sa araw ng Martes, Nobyembre 5 ng alas-6:00 ng umaga.

Ang oil price rollback ay bunsod ng paggalaw ng produkto sa pandaigdigang merkado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?