122

Jun 14, 2019 @ 14:13
By ,

Petron Blaze Spikers aapoy pa kay Rondina

Simula na ang kampanya ng defending champions Petron Blaze Spikers para sa inaasam na three-peat title sa All-Filipino Conference ng Philippine Superliga 2019.

Kakayod ngayon ang Petron para masiguro na sila muli ang magrereyna sa conference nito.

Muling kakapitan ni coach Shaq delos Santos ang ace player na sina national team member Ces Molina, Mika Reyes at Aiza Maizo-Pontillas pati ang pagbabalik tropa ni UAAP Season 81 MVP Sisi Rondina.

May bagong dagdag din sa roster ng tropa gaya ni Denden Lazaro, Chinchin Basas at si Ann Esguerra, na galing sa kabilang liga.

Bukod sa mga starter, mabigat din ang bench ng defending champions sa pangunguna ni Bernadeth Pons, Rem Palma, Chloe Cortez, Carmel Tunay, Angel Legacion at Buding Duremdes

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?