11

Oct 28, 2020 @ 18:02
By

Petro Gazz, Motolite swak sa PSL beach volleyball

KABILANG sa mga aaksyon sa Philippine SuperLiga (PSL) 2020 Beach Volleyball Challenge Cup sa Nobyembre 26 sa Subic ang Petro Gazz at Motolite mula sa Premier Volleyball League, ayon kay PSL chairman Philip Ella Juico.

Sa kasalukuyan, kumpirmado nang lalahok sa three-day tournament ang PSL teams na United Auctioneers, Cignal, Sta. Lucia at F2 Logistics.

Magpapadala ang HD Spikers ng dalawang teams sa beach volleyball tournament habang tatlong team naman ang mula sa Lady Realtors.

Tatapik naman ang United Auctioneers ng players mula Arellano University samantalang finafinalize pa ng Cargo Movers ang kanilang lineup.

“We are really opening our doors to other clubs who are not part of the PSL to make the league bigger and better in the next few years,” sambit ni Juico na nagpapasalamat sa Subic Bay Metropolitan Authority sa paghohost ng volleyball bubble.

Samantala, liliban naman sa torneo ang PLDT at Marinerang Pilipina ngunit nangakong susuporta.

“We understand their decision not to join because of our situation right now,” wika ni Juico.

Dagdag pa nito, “the teams are very willing to join, but the players are doubtful because vaccines have yet to be made available.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?