108
Petmalung hoopster hina-hunting ng QCBL
Feb 18, 2019 @ 16:21
By ,

Petmalung hoopster hina-hunting ng QCBL

Matapos ang matagumpay na unang conference, ang Quezon City Basketball League (QCBL) ay magsasagawa ng city-wide campaign para makahanap ng ilan pang magaling na manlalaro.

Ayon kay QCBL Operations Director BJ Manalo, marami raw magagaling na manlalaro at coaches sa QC na naghihintay lang na madiskubre at mabigyan ng pagkakataon para umangat.

“Our advocacy is really to help basketball. The QCBL, headed by Nino Reyes of FEU-NRMF, is committed to this vision of providing support whenever and wherever it is needed,” sabi ni Manalo sa 10th ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros.

“We just completed our first conference with three divisions last Sunday, but we are already planning to hold more this year,” dagdag nito.

Bukod kay Manalo, nandoon din sa nasabing forum sina QCBL Commissioners Ricky Alcantara at Pong Allan at MVP awardee Kenneth Agustin ng Team Nemesis.

“The next step is to go around the city, especially the barangays, and look for players who need the opportunity to hone their skills and achieve their dreams,” paliwanag ni Manalo.

Nanguna sa First Conference QCBL ang Trinity University of Asia Stallions nang padapain nito ang Nyro Saints sa Finals sa FEU-NRMF gym noong Pebrero 10.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?