71

By

PETmalu: Kagagawan ng pusa! Babae laging late sa trabaho

Isang Brazilian na may alagang pusa ang palaging nale-late sa trabaho dahil sa kapilyuhan ng kaniyang alaga.

Huling nadiskubre nito na pinapatay pala ng alaga nyang pusa na si Joaquim ang kanyang cellphone.

Makikita sa video na bago magsimula ang alarm ay komportableng nakaupo ang pusa sa taas ng tokador sa isang kwarto sa San Paulo, Brazil.

Nang magsimulang tumunog ang alarm ay tila nainis ang pusa at makikitang naglakad sya patungo sa kung saan nagmumula ang ingay.

Umakyat si Joaquim sa lamesa at tsaka naman pinapalo ang phone na patuloy sa pagtunog at pag-vibrate.

Tawa naman nang tawa ang dalawang babae sa likod ng camera habang lumipat sa kama si Joaquim.

Tsaka naman kinuha ng nagvi-video kay Joaquim ang kanyang cellphone at ang braso naman ng babae ang kanyang hinahawakan.

Sabi ng nagmamay-ari kay Joaquim, napapansin daw niya at ng kanyang partner na hindi sila nagigising sa alarm.

Kamakailan lamang nila napansin na pinapatay pala ng kanilang alagang pusa ang alarm bago sila magising.

Hindi ito ang unang beses na ginawa ng pilyong pusa na si Joaquim ang pagpatay sa alarm.

Panoorin ang buong video:

Woman who keeps sleeping through her alarm catches cat turning it off

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?