116

By

‘Petmalu’ block screening ng Marlo’s World, matagumpay

Sharing is caring!

Naging matagumpay ang block screening ng pelikulang ‘Petmalu’ na isa sa tampok ay ang Kapamilya actor na si Marlo Mortel.
 
Ginanap ito kahapon sa Cinema 2 ng SM Light Mall, Mandaluyong City. Ang naturang event ay mula sa fans club ni Marlo na Marlo’s World na ang admin ay sina Eve Villanueva, Marjo Ibasco, Laarni Torres, Zandy Suriaga at Jean Casabuena.
 
Bukod sa fans ni Marlo, present sa event ang kanyang mga kaibigan, high school and college friends, cousins and family friends, at si James Reyes from Mercator.
 
Nagpasalamat naman si Marlo sa lahat ng nagpunta after ng block screening.
 
“Maraming-maraming salamat po sa inyo sa lahat ng nagpunta, I hope nagustuhan nyo ang movie namin.”
 
Nagpasalamat din si Eve Villanueva sa successful nilang event. 

“Thankful po kami na naging successful po siya kasi despite of our busy schedules naglaan talaga ng oras lahat for Marlo and yung mga Global supporters sobrang all-out sila sa mga events talaga namin, kahit malalayo sila they make it a point na nakaka-support sila kay Marlo and it really means a lot!”
 
Nilinaw din ni Eve ang video tribute para sa mom ni Marlo na si Mrs. Merlie Mortel na ipinalabas nila after ng screening.
 
“To tell you honestly, ‘di yon alam ni Marlo. Surprise ‘yung clip na ‘yun talaga. Para maintindihan po din ng iba, we made the video not to feel sad or mag-grief, in-acknowledge lang din po namin si Tita Mommy (tawag nila sa mom ni Marlo) thru a short clip. Kasi, every time na may ganap kami with Marlo, napaka-supportive po nila ni Tito Daddy sa amin. When it comes to Marlo all-out sila talaga. Noong medyo malakas pa si tita, pumupunta siya sa mga get together ng Marlo’s World, or minsan ‘pag di siya makakapunta, magte-text ‘yun.
 
“Sobrang grabe ‘yung support niya sa amin and sobrang miss na miss ko na kasi siya. Hindi alam ‘yun ng marami, even Marlo too. So parang in-acknowledge lang namin siya and I know she’s cheering up on us last night, I know she’s very happy and proud na strong din kami for Marlo.”
 
Bukod kay Marlo, tampok din sa ‘Petmalu’ sina Diego Loyzaga, Jairus Aquino, Brian Gazmen, Vitto Marquez, Michelle Vito, Charles Kieron, at iba pa.
 
Ito ay mula sa panulat at direksiyon ni Joven Tan.
 
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?