35

By

PETmalu: Alalahanin si Archer, ang sikat na pusa ng DLSU

Mahigit 40 araw na nga ang nakalipas nang pumanaw ang sikat na tabby cat ng DLSU na si Archer.

Pumanaw ang sikat na pusa pagkatapos magdusa sa sakit sa bato noong Hunyo. Patok sa Internet si Archer nang binigyan sya ng graduation ng mga Green Archers nang i-adopt sya ng dating security personnel na si “Ate Jenny”.

Ayon kay Carmel Puertollano sa isang post sa DLSU-Professors for the Upliftment of Society’s Animals (DLSU-PUSA) Facebook page, nakita sa ultrasound ni Archer na umaasa na lang sya sa kanyang kanang bato dahil lumiit na ang kanyang kaliwang bato.

Ipinaliwanag ni Puertollano na sa mga huling araw ng 6 na taon na pusa ay sa tabi na lang sya palagi ng water bowl nya, “This is also an indication that his kidneys are no longer able to efficiently and effectively do its job of filtering waste, so water only passes through his system without really ‘cleaning’ the waste that should be carried out of the body through the urine.”

Hindi na rinekomenda ng mga veterinarian na sumailalim pa sa operasyon dahil marami na syang komplikasyon sa kanyang bibig, sa lymph nodes, at sa atay.

Nagbigay din ang DLSU-PUSA ng silent memorial para kay Archer noong Hulyo at ipinakita ang buhos ng pagmamahal para sa iconic na pusa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?