11

By

Petisyong gawing P10 ang pamasahe sa jeep, nakapreno pa sa LTFRB

Sharing is caring!

Hindi pa rin nagbaba ng desisyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa P2 petisyon para sa dagdag-pasahe sa mga pampasaherong jeepney na inihain ng limang transport group.

Hihingan muna ng LTFRB ng memorandum ang mga petisyuner na ACTO, LTOP, FEJODAP, PASANG MASDA at LTODAP sa loob ng 10 araw bago sila magdesisyon.

Sinabi naman ni Efren de Luna ng ACTO, laman ng kanilang argumento sa hiling na dagdag-singil sa pasahe ang pagsirit ng presyo ng krudo.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, magsasagawa ng special meeting ang ahensiya para pag-usapan ang provisional increase na P1 para gawing P9 ang pamasahe sa jeep. Ito ay habang hinihintay nila ang memorandum ng mga petitioner.

Nakasaad sa petisyon ng transport organizations na mula sa P8 ay gawing P10 ang pasahe sa jeep sa kada 4 kilometro.

Ayon sa mga petitioner, lumiit ang kita ng mga tsuper dahil sa mataas na presyo ng diesel, pag-iral ng excise tax sa TRAIN Law at sobrang trapik sa mga lansangan sa Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?