27
harry-roque
Jan 2, 2018 @ 14:53
By

Petisyon vs martial law sa SC, mababasura lang – Palasyo

Kumpiyansa ang Malacañang na walang kapupuntahan ang petisyong inihain ni Congressman Edcel Lagman sa Supreme Court para kontrahin ang isang taong martial law extension sa Mindanao.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, inaasahan na ng Palasyo na eeksena na naman ang mambabatas dahil hayagan naman ang pagtutol nito sa ipinatupad na martial law sa Mindanao.

Wala aniyang kasawa-sawa si Lagman sa paghahain ng petisyon sa Supreme Court gayong nababasura naman ito.

Sinabi ni Roque na kung sa tingin ni Lagman ay maligaya siya sa ginagawa niya ay hahayaan nila ito.

“Walang kasawa-sawa naman itong si Cong. Lagman na mag-question sa Supreme Court, eh palagi namang nababasura iyong kanyang petisyon. So siyempre, hayaan mo siya…eh talagang gusto niya na palaging nababasura iyong kanyang petition, eh sino kami para pigilan siya? Kaligayahan niya ata yon…so hayaan mo siya,” ani Roque.

Naunang inihayag ng gobyerno na handa nilang harapin ang mga petisyon sa korte na kumokontra sa isang taong martial law extension sa Mindanao dahil nailatag naman ang mga dahilan kung bakit kailangang ma-extend na pinaboran ng Kongreso. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?