50

By

Petisyon vs drug war, bahagi na destabilisasyon – OSG

Sharing is caring!

Naghihinala si Solicitor General Jose Calida na bahagi ng destabilisasyon laban sa administrasyong Duterte ang dalawang petisyong inihain sa Korte Suprema na kumukwestiyon sa constitutionality ng anti-drugs campaign ng Philippine National Police (PNP).

Ginawa ni Calida ang pahayag bilang bahagi ng kanyang opening statement sa ikalawang araw ng oral arguments sa Korte Suprema.

“It is therefore not difficult to see that the present petitions are disingenuous moves to destabilize the Duterte Administration and sow anarchy,” giit ni Calida.

Aniya, layon din ng dalawang petisyon na hayaang manaig ang anarkiya.

Paliwanag ni Calida, sa ilalim ng Almora petition, hinihiling nito na pagbawalan ng Korte Suprema ang PNP sa pagpapatupad ng mga direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa “war on drugs.”

Hinihiling naman ng Daño petition na magdeklara ang Korte Suprema ng mga “police-free zones.”

Sa madaling salita, ang nais umano ng mga petitioner ay suwayin ng PNP at DILG ang punong ehekutibo at pigilan ang PNP sa pagganap ng sinumpaan nitong mandato na magpatupad ng batas at magpanatili ng kapayapaan at kaayusan.

Pero giit ni Calida, hindi dapat payagan ng Korte Suprema ang hinihingi ng mga petitioner dahil magdudulot ito ng malaking epekto sa katatagan at seguridad ng bansa.

Babala pa ni Calida, kung pagbibigyan ng hukuman ang mga petisyon, posible itong humantong sa constitutional crisis.

Ang hiling daw kasi ng mga petitioner na pigilan ang PNP sa pagpapatupad ng kinukuwestiyong CMC No. 16-2016 at pigilan silang sundin ang direktiba ng pangulo ay maituturing na panghihimasok sa operasyon ng executive branch ng gobyerno at ito ay maituturing na paglabag sa doktrina ng separation of powers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?