75
Marvic-Leonen
Nov 7, 2018 @ 14:18
By

Petisyon vs Bangsamoro Organic Law napunta kay Justice Leonen

Nai-raffle kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang petisyon ni Sulu Governor Abdusakur Tan laban sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Pero inaasahan na mag-iinhibit o bibitiw si Leonen bilang ponente sa kaso.

Magugunitang naghayag na noon si Leonen na mag-iinhibit siya sa anumang petisyon na may kaugnayan sa batas na nagsusulong sa pagbuo ng Bangsamoro.

Nagsilbi kasing chairman ng Government Peace Panel para sa peace talks sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong Aquino Administration si Leonen.

Noong nakaraang buwan, naghain ng petisyon sa Korte Suprema si Governor Tan para kuwestyunin ang legalidad ng BOL.

Iginiit ni Tan na labag ang probisyon ng BOL sa Section 15 at 18 ng Article 10 ng 1987 Constitution na nagsasabing ang mga lalawigan at lungsod na boboto pabor sa autonomous region ang magiging bahagi nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?