44

Mar 7, 2020 @ 15:59
By

Petisyon sa VFA termination kasado na

Ihahain na sa Korte Suprema ng Senado sa Marso 9 ang ‘declaratory relief’ para linawin ang poder nito sa pagbasura sa lahat ng mga tratado o kasunduang pinasok ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa.

Ayon kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, kasunod na rin ito ng debate kung kailangang dumaan sa Senado ang ginawang pagkansela ng ehekutibo sa Visiting Forces Agreement (VFA) nito sa Estados Unidos.

Paliwanag ni Sotto, mismong ang Senado na ang magtatanong at humihingi ng paliwanag sa Korte Suprema kung dapat o hindi dumaan sa Senado ang pagbasura sa isang tratado na kung saan sila ang nagratipika.

Inaasahang sasama sa paghahain sina dating senador Francisco Tatad at Rodolfo Biazon na naging bahagi sa ratipikasyon ng VFA noong 11th Congress.

Magugunitang tuluyan nang kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang VFA sa Estados Unidos matapos na kanselahin ang US visa ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?