6

Sep 16, 2020 @ 16:49
By

Petisyon para sa libreng mass testing, sinopla ng SC

Binasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon para obligahin ang gobyerno na magkasa ng libreng mass testing para sa coronavirus disease sa bansa.

Sa apat na pahinang resolusyon na inilabas nitong Miyerkoles, sinabi ng Mataas na Korte na nabigo ang mga petitioner “to exhaust administrative remedies”.

Anang SC, wala silang awtoridad na mag-isyu ng writ of mandamus kung walang pagpapatunay na nabigo ang executive branch na gampanan ang “mandatory, nondiscretionary duty” nito.

“Without a demonstration that an official in the executive branch failed to perform a mandatory, nondiscretionary duty, courts have no authority to issue a writ of mandamus, no matter how dire the emergency,” pahayag ng Korte Suprema.

“The job of the court is to say what the law is, not dictate how another branch of government should do its job,” giit pa ng SC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?