43

Aug 21, 2018 @ 16:30
By

Petisyon ni Sister Fox sa missionary visa, tatalakayin sa Huwebes

Nakatakdang pag-usapan sa board meeting ng Bureau of Immigration (BI) ang petisyong inihain ng abogado ni Sister Patricia Fox na ma-renew ang kanyang missionary visa.

Ayon kay BI Deputy Commissioner Marc Red Marinas, hindi pa niya nababasa ang petisyon ni Sister Fox, subalit maaari itong maisalang sa regular board meeting sa Agosto 23.

Ang abogado ng Australyanang madre na si Atty. Jobert Pahilga ang naghain ng petisyon sa Central Receiving Unit ng BI.

Mapapaso na sa Setyembre 5 ang missionary visa ni Sister Fox.

Nauna nang naglabas ng pasya ang BI na ipa-deport ang madre dahil sa paglahok nito sa political rally sa Davao na ipinagbabawal ng batas sa mga dayuhan sa bansa.

Umapela na si Sister Fox na baliktarin ang pasya pero hanggang ngayon ay wala pang desisyon sa motion for reconsideration ng madre ang kawanihan. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?