93

By

Petisyon na TRO ni Trillanes, ‘di pinaboran ng Korte Suprema

Sharing is caring!

Hindi kinatigan ng Supreme Court ang temporary restraining order na inihain ni Senador Antonio Trillanes IV para sa pagbawi ng amnestiya nitong Martes, Setyembre 11.

Ayon sa news conference ni ng Acting Information Chief ng Korte Suprema na si Maria Victoria Gleoresty Guerra, hindi nito kinatigan ang petisyon ni Trillanes dahil sa naging tinuran ni Pangulong Rodrigo Duterte na pababayaan nito ang Korte sa magiging kahihinatnan ng kaso ni Trillanes.

“The denial of the petition is primarily based on President Rodrigo Duterte’s acknowledgment that no arrest will be made without warrant issued by the trial courts. Trillanes “will not be apprehended, detained or taken into custody” pahayag nito.

Dahil dito, sunod na hihintayin ang magiging hearing sa Makati RTC na may hawak ng kaso ni Trillanes sa rebelyon at kudeta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?