19

Jul 1, 2020 @ 16:40
By

Petisyon na kumukuwestiyon sa Bayanihan law, binasura ng Korte Suprema

Dinismis ng Supreme Court (SC) ang isang petisyon na kumukuwestiyon sa constitutionality ng “Bayanihan to Heal as One Act”.

Ayon sa SC Public Information Office, binasura ang petisyon dahil bigong maipakita ang grave abuse of discretion nina Cabinet Secretary Karlo Nograles, Health Secretary Francisco Duque III at ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases

Batay sa petisyon ni Jaime Ibañez, dating law dean ng Laguna State Polytechnic University, sinabi niyang “unconstitutional” ang Bayanihan law dahil pinagkalooban nito ang Pangulo ng “legislative authority to exercise power other than what is necessary and proper to carry out the declared national policy”.

Banta rin daw sa karapatan ng mga Pilipino ang nationwide quarantine.

Napaso ang Bayanihan law noong June 25 habang ang “Bayanihan to Recover as One Act” ay naipasa ng House Committee of the Whole noong June 4.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?