ABANTE castro train law
By

Petisyon kontra TRAIN law, mababaw – Castro

Sharing is caring!

Kumpiyansa si House Deputy Speaker Fredenil Castro na mababasura lang sa Korte Suprema ang inihaing petisyon ng Makabayan bloc kontra sa implementasyon ng Tax Reform for Inclusion and Acceleration (TRAIN) Law.

Kinuwestiyon ng mga militanteng kongresista ang ligalidad ng TRAIN sa argumentong walang quorum ang Kamara nang ratipikahan ito.

Pero ayon kay Castro, mababaw ang naturang dahilan at ang ebidensyang pagbabasehan dito ng korte ay ang minutes ng proceedings ng kapulungan.

“Pagkatapos ng roll call and quorum was declared, in effect, there is a quorum and quorum is continuing until after that the quorum is declared inexistent. They could not just run and shout and say there is no quorum. Let us consult the minutes of the proceedings and that will be determinative of whether or not there was quorum,” paliwanag ni Castro.

Dagdag pa ng Deputy Speaker, hindi porke’t walang tao sa plenaryo ay wala nang quorum dahil hindi naman sila obligadong maupo lang sa session hall pagkatapos ng roll call.

“Kung ikaw ay nandoon sa labas, kung ikaw ay nandon sa opisina mo, when the roll call again is called you can come and present yourself no. But in the meantime, you are not enslave to hear the speeches of the annoying and redundant speeches of everybody in the halls of Congress. Maaari kang lumabas at gumawa ng iba provided kapag nagtawag ng quorum ay nandyan ka,” sabi ni Castro. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?