43

By

Peter Lim pinakakasuhan na sa illegal drug trading

Sharing is caring!

Ipinag-utos na ng Department of Justice ( DOJ) na kasuhan sa illegal drug trading ang inaakusahang big-time drug lord na si Peter Go Lim.

Sa resolusyon ng panel of prosecutors, si Lim ay pinasasampahan ng kasong paglabag sa Section 26(b) in relation to Section 5 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Tinukoy ng panel na ang pag-amin ni Kerwin Espinosa sa pagdinig ng Senate Committees on Justice and Public Order, pati na ang positibong pagturo sa kanya ni Marcelo Adorco bilang Peter Go Lim na isa sa supplier ni Kerwin ng iligal na droga ay sapat nang batayan ng probable cause para sila ay kasuhan ng pagsasabwatan ng illegal drug trading.

Hindi binigyan ng DOJ ng bigat ang depensa ni Lim na hindi siya ang alyas “Jaguar” na sangkot sa iligal na droga.

Nauna nang naglabas ng resolusyon ang DOJ laban kina Kerwin, Peter Co, Adorco, Lovely Imp at Ruel Malindangan noong Hulyo 19, 2018 kung saan iniutos din ang paghahain ng kasong paglabag sa RA 9165 laban sa kanila.

Ang reklamong “conspiracy for illegal drug trading” laban kina Lim, Espinosa, Adorco at Malindangan ay ihahain sa Makati Regional Trial Court.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?