248

Jul 4, 2018 @ 18:38
By

Peter Aguilar ‘alang modo, nakisawsaw pa sa gulo

Matapos ang malaking riot sa Philippine Arena, hindi pa rin natapos ang pambabatikos kung sino talaga ang dapat na sisihin sa itinuring na ‘biggest basketbrawl’ ng bansa.

Hindi nakaligtas sa mga mata ng Australian squad ang ama ni Japhet Aguilar na si Peter Aguilar.

Nakisali umano ang sibilyan na si Aguilar sa rambol ng dalawang koponan.

“We also got a fan throwing a chair on our players. We find that unacceptable,” sabi ng CEO ng Basketball Australia na si Anthony Moore sa isang press conference.

Si Peter ang itinuturong salarin sa pagpapalipad ng upuan patungo kay Australian player Nathan Sobey.

Siya rin daw ang nakasibilyan na sumuntok sa isang Aussie guard.

Mukhang tama nga ang akusasyon ng Boomers sa former PBA player dahil nag-viral lang naman ang mga litrato at videos na nagpapatunay sa insidente.

Naglatag na ng disciplinary hearing ang FIBA sa dalawang koponan.

Balak rin ng Australia officials na maghain ng karampatang kaso kontra Gilas. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?