7
petecio
By

Petecio umupak ng ika-3 gold

Sharing is caring!

Nasuntok ni Nesthy Petecio ang pangatlong gold medal sa gayung daming kompetisyon sa apat na buwan ngayong taon, trangkada ang tatlong tagumpay ng bansa sa Konstantin Korotkov Memorial International Boxing Tournament noong Mayo 15-20 sa Khabarovsk, Russia.

Wagi ang 26 na taong gulang at tubong Davao del Sur sa may 11 kalahok sa women’s 57-kilogram event laban kina Liu Piuo Pao ng China sa preliminaries, 5-0; Karina Tazabekova ng Rusya sa quarterfinals, 4-1; Chinese Yin Jinhua at North Korea’s Li Ok Byol.

Bye muna si Carlo Paalam sa prelim saka bumanat ng 5-0 win sa Ruso na si Boris Sidirov sa quarters, wagi rin kina NoKor Kim Jang Ryong sa semis at kay South Korean Shin Jong Hun sa finals sa 10 kasali sa men’s light flyweight.

Sa 12 kalahok sa men’s middleweight, walang laban sa prelim si Eumir Felix Marcial bago binokya si Erik Mendoza ng Sweden, 5-0 sa Last 8, si Dmitriv Nesteverov ng Russia sa Final 4, at Japanese Yuito Moriwaki sa finale.

Naka-silver naman sina lightweight James Palicte at bronze si women’s flyweight Aira Villegas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?