79

Jul 31, 2021 @ 15:43
By

Petecio, Pinoy Olympians binati ng Malacañang

Nagpaabot ng pagbati ang Malacañang kay Nesthy Petecio matapos ang panalo sa women’s boxing featherweight semifinals sa ginaganap na Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Nakakatiyak na si Petecio ng medalya para sa Pilipinas matapos talunin ang kalabang Italyana na si Irma Testa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakikiisa ang Palasyo sa pagbubunyi ng mga Pilipinong nakasubaybay at nakasuporta sa laban ng mga atletang Pinoy sa Tokyo Olympics.

“We congratulate Nesthy Petecio in winning the women’s boxing featherweight semifinals of the Tokyo Olympics and securing a second Olympic medal for the Philippines,” ani Roque.

Bukod kay Petecio ay binati rin ng Malacañang ang iba pang atletang naglaro ngayong Sabado gaya nina EJ Obenia para sa Men’s Pole Vault at Carlo Paalam na umabante sa quarter finals ng men’s boxing flyweight class.

Sinabi ni Roque na ang buong bansa ay nagdarasal para sa tagumpay ng lahat ng atletang Pilipino na lumalaban ngayon sa Tokyo Olympics .

“The whole nation is praying for our athletes as their quest for an Olympic gold medal continues,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?