69

Aug 9, 2021 @ 10:58

Petecio PH flag bearer sa closing ng Tokyo Olympics: Proud Pinoy ako!

Ipinakita ni Pinay silver medalist Nesthy Petecio ang kanyang pagiging “Proud Pinoy” matapos niyang dalhin ang watawat ng Pilipinas sa closing ceremony ng 2020 Tokyo Olympics nitong Linggo.

“Isigaw mong malakas!!!!! PROUD AKO!! PROUD PINOY!” anang 29 anyos na Olympian sa kanyang tweet nitong Linggo.

Nasungkit ni Petecio noong nakaraang linggo ang pilak na medalya sa women’s featherweight finals ng boxing.

Nagtapos ang naturang sporting event nang may 4 na naiuwing parangal ang bansa: gintong medalya mula kay wieghtlifter HIdliyn Diaz, dalawang pilak na medalya mula sa boxers na sina Petecio at Carlo Paalam, at tansong medalya para kay Eumir Marcial.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?