129

Jul 31, 2021 @ 18:37
By

Petecio, Obiena tatangkain ginto sa Agosto 3

Tatangkain nina Nesthy Petecio at EJ Obiena na gawing makasaysayan ang Agosto 3 para sa Pilipinas sa pagsabak nila sa final round ng kanilang mga sporting event sa Tokyo Olympics sa nasabing araw.

Alas-12:05 p.m. ng tanghali (oras sa Pilipinas) ay sasabak si Petecio sa gold medal match sa women’s featherweight class kung saan makakaharap niya ang magwawagi kina Sena Irie ng Japan at Karriss Artingstall ng UK.

Umabante sa finals si Petecio matapos ang makapanindig-balahibong split decision win kontra sa mas matangkad na si Irma Testa ng Italy.

Samantala, alas-6:20 p.m. ng gabi (oras sa Pilipinas) naman ay lulundag si Obiena para sa tangkang maibigay sa bansa ang ginto sa pole vault finals.

Tumapos si Obiena ng pang-10 sa preliminaries upang makapasok sa final round.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?