28

Jul 31, 2021 @ 13:45
By

Petecio abot-kamay na Olympic gold

Isang panalo na lang masusungkit na ni Pinay boxer Nesthy Petecio ang ikalawang Olympic gold medal ng Pilipinas.

Ito ay matapos niyang patumbahin ang 5-foot-8 na karibal na si Irma Testa ng Italy nitong Sabado para magmartsa sa gold medal round ng women’s featherweight ng Tokyo Olympics sa August 3.

Ang panalo niya kontra Testa ay nagsiguro ng unang Olympic silver medal ng Pilipinas sa boksing makalipas ang 25 taon.

Unang nasungkit ni Mansueto “Onyok” Velasco Jr. ang silver medal sa 1996 Atlanta Games.

Dobleng selebrasyon ito sa bansa dahil nakaabante rin nitong Sabado ang isa pang boksingerong si Carlo Paalam sa men’s flyweight quarterfinals ng Olympics. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?