51

Jul 26, 2021 @ 16:32
By

Petecio abante sa quarterfinals

DIRETSO sa quarterfinals ng women’s boxing featherweight division sa 2020 Tokyo Olympics si Pinay boxer Nesthy Petecio matapos manaig via split decision kontra Lin Yu Ting ng Chinese Taipei sa Round of 16, Lunes sa Kokugikan Arena.

Tagumpay na napabagsak ng 2019 AIBA world boxing champion at world no.2 boxer sa Round of 16 ang top seed Taiwanese sa iskor na 28-29, 29-28, 28-29, 29-28, 29-28.

Magugunita noong Hulyo 24, pinataob ni Petecio sa Round of 32 si Marcelat Matshu Sakobi ng Democratic Republic of Congo via unanimous decision.

Makakalaban ni Petecio sa quarterfinals sa Hulyo 28 si Yeni Marcela Arias Castaneda ng Colombia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?