67

Apr 20, 2021 @ 18:36

PET nagpatama kay BBM: Mga talunang kandidato huwag pagdudahan eleksyon!

Nilabas ng Korte Suprema ang kabuuang desisyon ng Presidential Electoral Tribunal tungkol sa kanilang pagbusara sa electoral protest ni Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

Sa 91 pahinang desisyon na sinulat ni Associate Justice Leonen, inisa-isa nito ang naging dahilan sa pagpigil ng mga alegasyon ni Marcos sa 2016 national elections.

Ayon sa PET, walang naging sapat na pag-recover ng boto sa mga pilot province na pinunto ni Marcos na umano’y may iregularidad.

“We have granted parties every opportunity to make and defend their arguments before this Tribunal, the proper forum to hear this case. However, protestant [Marcos] still failed to substantiate his allegations of massive anomalies and irregularities in protestee’s favor,” ayon sa naturang desisyon.

“Instead, he chose to make sweeping allegations of wrongdoing and submitted incomplete and incorrect data. His abject failure to support his claims leaves this Tribunal with no other recourse but to dismiss his Protest,” ayon pa sa PET.

Matatandaan sa nangyaring recount sa mga pilot province na itinuro ni Marcos na may iregularidad, tumaas pa ang lamang ni Robredo ng higit 15,000 boto.

Saad pa ng PET, hindi dapat mabahiran ng pagdududa ang eleksyon ng mga kandidato na hindi matanggap ang kanilang pagkatalo.

“Suffrage is at the heart of every democracy. Election results must not be tainted with unnecessary doubt by losing candidates who cannot accept defeat,” saad pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?