429

Dec 26, 2018 @ 18:05
By ,

Pessumal at Vigil pumirma ng bagong kontrata sa SMB

Pinatibay ng defending All Filipino Cup champions San Miguel Beermen ang kanilang bench nang papirmahin ng dalawang-taong kontrata sina Von Pessumal at Louie Vigil.

Inaasahan na magiging mas malakas ang second group ng tropa sa kampanya nito sa darating na 44th season ng PBA na magsisimula ngayong Enero.

Bukod sa usual suspects ng tropa na sina June Mar Fajardo, Arwind Santos, Marcio Lassiter, Alex Cabagnot at Chris Ross mas lalong pinatibay ng Beermen ang lineup nito sa pagpasok ng mga bagong dagdag gaya nina Terrence Romeo, Paul Zamar at Ronald Tubid.

Bagama’t ganun na kalalim ang lineup ng Beermen, may mga pwesto pa rin para kina Pessumal at Vigil kasama ang mainstay na si Matt Rosser.

Taong 2017 nang ma-draft ng San Miguel si Vigil, 17th overall, habang napabilang naman sa line-up si Pessumal matapos ang one-on-one trade sa NorthPort kapalit ni Arnold Van Opstal.

Nakakikipag-usap pa rin para sa bagong kontrata ang mga beterano na sina Yancy de Ocampo, Billy Mamaril at Chico Lanete. (Fergus E. Josue, Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?