Antonio-trillanes
By

‘Persona non grata’ tag, pakana ng mga Duterte – Trillanes

Sharing is caring!

Walang duda si Senador Antonio Trillanes IV na utos ng pamilya Duterte ang padedeklara sa kaniya ng konseho ng Davao City bilang persona non grata sa lungsod.

Sa deklarasyon na siya ay persona non grata, hindi na ito makakatuntong kailanman sa Davao City.

Ayon kay Trillanes, nadidiktahan ng mga Duterte ang konseho ng lungsod.

“Pero ‘yang city council kasi ng Davao, rubber stamp naman ng mga Duterte. So pakana rin lang ito ng pamilya Duterte,” sabi ni Trillanes.

Idiniin naman nito na walang mawawala sa kaniya kung bawal na siyang pumasok sa Davao City.

“It’s not necessary my loss. Ang sa akin lang, masakit ang katotohanan,” giit nito.

Idineklara siya na persona non grata dahil sa sinabi niya na pinakamapanganib na lungsod ang Davao dahil pinakamarami ang insidente ng patayan at ikalawa sa dami ng may ginagahasa. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?