462

Nov 21, 2019 @ 9:26
By

Persona non grata dineklara ng Baguio vs. Cabanatuan judge

Nagdeklara ng “persona-no-grata” ang Baguio City local government unit (LGU), sa utos ni Mayor Benjamin Magalong, laban sa Cabanatuan judge na nagbigay ng subpoena sa isang traffic enforcer na humuli sa kanya sa illegal parking.

Sa isang Facebook post, inihayag ng Baguio LGU na nakasaad sa City Council Resolution No. 429-2019, gagawing persona-non-grata si Cabanatuan Municipal Court (CMC) Judge Nelson Largo.

Matatandaan na noong Oktubre 25, si Largo ay binigyan ng traffic violation receipt (TVR) ng Baguio traffic enforcer at binaklas ang plate number ng kanyang (Lagro) sasakyan dahil lumabag ito sa illegal parking.

Pagkatapos ang nasabing insidente, sinampahan ni Largo ang traffic enforcers ng indirect contempt at naglabas ng subpoena sa November 29 hearing sa Cabanatuan.

Kamakailan, sumulat si Magalong kay Supreme Court Justice Diosdado Peralta upang ipaalam na ang inasal ni Largo sa traffic enforcers ay “unprofessional.”

Sinabi pa ng alkalde na ang nasabing huwes ay nilabag ang traffic color coding ng siyudad.

Nanindigan si Magalong at sinabing ginagawa lamang ng kanilang traffic enforcer ang trabaho ayon sa batas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?