26

May 25, 2020 @ 13:40
By

Pero sa DOH, 8K lang? 30K COVID test kada araw, naabot na – Palasyo

Kung si Presidential spokesperson Harry Roque ang tatanungin, naabot na umano ng Pilipinas ang 30,000 na COVID-19 test result kada araw.

Ayon kay Roque, naabot ito ng bansa noon pang May 20, kung saan umabot na umano sa 32,100 ang kakayahan ng mga testing center sa Pilipinas na makapag-test ng ganong karaming sample.

“Naabot na natin ang ating target na 30,000 PCR tests per day,” ayon kay Roque.

Ngunit sa nilabas na situationer ng Department of Health nitong May 24, makikita na malayo pa sa 30,000 ang testing capacity ng Pilipinas.

Para sa May 23 na testing na ginawa ng 35 COVID-19 testing lab center sa bansa, umabot lamang sa 8,283 ang na-test na sample sa isang araw.

Karamihan dito ay mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na nakapag-test ng 1,722 sample noong May 23.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?