122

Apr 8, 2021 @ 17:59
By

Permit para sa Ivermectin, isang malaking joke – Garin

Mukha umanong political accommodation lang ang pagbibigay ng Food and Drug Administration (FDA) ng compassionate permit para magamit ang Ivermectin sa mga pasyenteng may COVID-19.

Ayon kay Iloilo Rep. Janette Garin, dating kalihim ng Department of Health (DOH), hindi dapat napopolitika ang FDA na ang pangunahing trabaho ay tiyakin na ligtas at mabisa ang isang gamot bago ito payagang magamit ng mga Pilipino.

“Issuing a compassionate use permit for just 1 hospital but saying it cannot be distributed and used for COVID-19 treatment in general seems to be more of a political accommodation than a medical decision. Isang malaking joke,” ani Garin.

Sinabi ni Garin na kulang pa ang mga pag-aaral sa paggamit ng Ivermectin sa tao at dapat science ang pagbatayan ng FDA sa mga desisyon nito.

“Hindi puwedeng ganitong klase ang FDA natin. Dapat decisions are always backed up by science. We are dealing with public health. Anti-parasitic drug na gamot sa hayop ginawang anti-viral na gamot sa tao? Parang nilang sinabing pareho lang ang langgam sa daga. Pinareho nila ang galising aso o pusa sa mga may COVID-19,” wika pa ni Garin.

Nanawagan din si Garin sa mga negosyante na huwag pagkakitaan ang takot na nararamdaman ng publiko.

“Huwag naman linlangin ang taongbayan. Huwag abusuhin at gawing kapital ang takot na nararamdaman ng mga kababayan natin dahil sa COVID-19,” dagdag pa ng lady solon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?