134

Perlas ng Japan nasungkit ni Ryza

Sure kami na nasa cloud nine ang pakiramdam ni Ryza Cenon dahil sa first International Acting award niya para sa ginawang pelikula na Mr. and Mrs. Cruz.

Si Ryza ang nakakuha ng Yakushi Pearl Award bilang Most Brilliant Performer sa Osaka Asian Film Festival sa Japan kunsaan, nakasama ang pelikula nila ni JC Santos sa mga entry.

Natupad ang wish ni Ryza na makasungkit ng acting award. Isa ito sa madalas niyang sabihin sa amin na goal niya bilang isang aktres. Isa rin ito kung bakit pinili niyang magpa-manage sa VIVA para makagawa raw siya ng maraming pelikula.

Sa Instagram post ni Ryza, sinabi nga niyang hindi siya makapaniwala.

“Wooohhhoo!!! Thank You! Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!! Hindi pa rin ako makapaniwala hahahaha ganito pala feeling! Nakuha ko ang perlas para sa Pilipinas.”

Kasabay halos nang pagka-panalo ni Ryza ay ang naging pamamaalam naman niya sa karakter niya bilang si Georgia sa matagumpay na afternoon drama na Ika-6 Na Utos. Yun nga lang, tila hudyat na rin ito ng pamamaalam ni Ryza sa una at matagal niyang naging tahanan, ang GMA-7 dahil balita na ang paglipat ng aktres sa ABS-CBN. (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?