156

Dec 18, 2017 @ 21:06
By

Perkins pasado sa unang salang sa PBA

Nakaharap agad ni Jason Perkins ang astig na beteranong manlalaro ng San Miguel Beer na si Arwind Santos matapos ang kanilang opening game sa 43rd PBA Season Philippine Cup Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Aminado ang bagitong manlalaro na nag-aadjust pa pa siya mga tawag ng referees sa pro-league kahit pa noong pre-season ay may mga laro sila na maganda ang kanyang ipinakita.

Maski nangangapa, kumayod agad ang 25-anyos, may taas na 6-3 forward at fourth overall pick ng Phoenix Petroleum ng 10 points, nine rebounds at tulad kasama ang five fouls para sa desenteng simula para sa isang bagito sa propesyunal na liga.

“Coach Louie Alas told me dont mind the calls of the referees ignore it and play your game, focus on the game,” litanya ni Perkins.

Bago pumasok ng pro-league, naglaro muna siya sa Valley City State Univeristy sa Estados Unidos bago bumalik dito sa Pilipinas.

Kinuha agad siya ni dating San Beda College coach Frankie Lim para maglaro sa Red Lions. Pero kinalaunan nag-resign si Lim kaya naman inimbitahan siya ng De La Salle University.

Nagbuno muna siya ng isang taon para sa kanyang residency sa La Salle bago siya napabilang sa Green Archers 2013 UAAP season.

Kasama din siya sa dalawang kampeonato ng Archers at sa kanyang rookie year dito napabilang siya sa UAAP Mythical Five.(Christian Cortez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?