By

Performance ni Aguirre, ipinasisilip kay Duterte

Sharing is caring!

Hinimok ng minorya sa Kamara si Pangulong Rodrigo Duterte na i-review ang performance ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa gitna ng kontrobersiya sa pagbasura ng Department of Justice (DOJ) panel sa kaso nina Kerwin Espinosa at Peter Lim.

Katuwiran ni House minority leader Danilo Suarez, dalawang taon pa lamang sa posisyon si Aguirre pero marami ng kuwestiyon sa integridad ng DOJ at attached agencies nito.

“The Justice Secretary will be reminded that he is part of the President’s Executive family. In matters falling under his jurisdiction, generally, his actions and decisions are deemed those of the President’s. Just two years into his term, and already, the integrity of his office and attached agencies are under question. This is alarming, given the vast powers that the Secretary of Justice can exercise. In light of this, we call upon the President to review the personalities of his official family and determine their fitness to hold their positions,” pahayag ni Suarez.

Sa kabila nito, hindi naman magawa ng minority leader na irekomenda sa Presidente ang pagsibak kay Aguirre.

Sa panig ni deputy minority leader at Buhay partylist Rep. Lito Atienza, dapat magpaliwanag si Aguirre kung ano ang nangyari sa imbestigasyon ng prosekusyon para irekomenda ang pagbasura ng kaso nina Espinosa at Lim.

“Kung hindi malinaw yung kanyang paliwanag, there’s no other way but the door, and maybe prosecution,” ayon kay Atienza.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?