43
puyat3
By

Performance ng mga DOT Usec, Asec nirerepaso na – Puyat

Sharing is caring!

Nirerebyu na ni Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat ang performance ng lahat ng undersecretary at assistant secretary sa kaniyang tanggapan.

Ito ay para madetermina kung nararapat ang mga ito na manatili sa puwesto at kung kasundo rin sila ng kaniyang mga mithiin para sa DOT.

Kabilang dito si Undersecretary Kat de Castro na iniulat na kinuha ang serbisyo ng banda ng boyfriend para sa mga event ng DOT.

Ayon kay Puyat, hindi naman floating ang status ni de Castro at patuloy itong nagtatrabaho bilang in-charge sa mga national parks at sa Intramuros.

Sinabi ito ni Puyat sa panayam matapos nitong sumalang at napakabilis na lumusot sa committee level ng Commission on Appointments (CA).

Ayon kay Puyat, hindi niya inakala ang mabilis na paglusot sa confirmation hearing dahil pinghandaan niya ito nang husto na para siyang estudyanteng kukuha ng pagsusulit.

Tiniyak nito ang puspusang pagtatrabaho habang sinusunod ang marching order ni Pangulong Duterte na “no corruption.”

Ang mga anumalya na kaniyang matutuklasan ay tahimik na lang umano niyang ipapasa sa Commission on Audit (COA) para mapaimbestigahan.

Isusulong naman daw niya ang farm at heritage tourism at ang pagtiyak na hindi na mauulit sa ibang tourism area ng bansa ang nangyari sa Boracay Island.

Wala naman sa kaniyang plano na gumastos para sa panibagong tourism slogan dahil sapat at maganda naman ang “It’s More Fun in the Philippines.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?