17
views
bylines-milky-rigonan
By

Performance audit ng mga LGU’s

Sharing is caring!

Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang mga barangay officials kabilang ang mga kagawad at tanod sa buong bansa.

Layunin ng Pangulo na mapanatili ang kaayusan sa kani-kanilang mga lugar dahil hindi mababantayan ng Philippine National Police ang lahat ng mga barangay sa ibat-ibang panig ng bansa.

Pero maraming Senador ang duda sa plano dahil hindi rin matitiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan kahit armado ang kanilang mga barangay officials.

Ayon kay Senator Richard Gordon, hindi dapat i-apply ang pag-aarmas sa lahat ng mga barangay officials sa buong bansa.

Pwede itong pag-aralan sa mga lugar na matindi ang krimen, may banta ng terorismo at mga rebelde.

Paliwanag naman ni Senator Panfilo Lacson, kailangan ng batas bago maipatupad ang plano ni Pangulong Duterte.

Hindi rin basta-basta ang pag-a-armas sa mga barangay officials dahil kailangan ang training, kailangan din pumasa ang mga ito sa euro psychiatric tests, gun seminars at iba pang requirements para makakuha ng lisensiya.

Pero dapat lang ma-implement ang gusto ni Pangulong Duterte na performance audit ng mga local government officials kung inaaksiyunan ang mga problema sa kanilang komunidad tulad ng illegal drugs at peace and order.

Hindi kakayanin na national government lang ang lulutas sa mga krimen habang dedma ang mga LGU’s sa kani-kanilang mga lugar.

Kung itinutulak man ng Pangulo ang performance audit sa mga lgu’s, isinusulong naman sa senado ang pagpapalakas sa mga lokal na pamahalaan para malabanan ang illegal drugs at criminality.

Ayon kay Senator Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Local Government, may mga Senate bill para masiguro na may sapat na autonomoy, kapangyarihan at pondo ng mga lgu’s para malabanan ang paglaganap ng krimen at iligal na droga.

Ilan sa mga bill ayon kay Angara ay taasan ang source of funds na inilalaan sa mga lgu’s kabilang ang computation ng internal revenue allotment sa VAT na ibinabayad sa imported goods na kinukulekta ng BIR.

May hiwalay din na panukala sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Senator Koko Pimentel na itaas ang IRA ng mga lgu’s sa 50% mula sa kasalukuyang 40% share.

Magandang gesture ang ginawa ni Senate President Tito Sotto nang dalawin nito sa PNP Custodial Center sa Camp Crame si Senator Leila de Lima.

Ayon kay Sotto, personal initiative niya ang pagpunta sa Crame tulad nang ginawa niyang pagbisita noon nang naka-detain si dating Col. at ngayon ay Senator Gringo Honasan, Lt. Sr. Grade at ngayon ay Senator Antonio Trillanes IV, dating Senators Juan Pone Enrile at Bong Revilla.

Walang special favors na hinihingi umano sa kanya si de Lima.

Sabi ni Sotto, pinag-usapan nila kung papaano uusad ang mga naisumiteng bills de Lima at ang posibilidad na makadalo sa sesyon ng Senado kung papayagan ng korte.

Pastries at tinapa rice na niluto ng kanyang maybahay na si Helen Gamboa-Sotto ang pasalubong ng Senate President.

Dagdag pogi points din ito kay Sotto dahil ipinakita niya na bilang Pangulong ng Senado, concern siya sa kapakanan ng bawat miembro kahit ano pa ang political color.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?