156
ABANTE TNT tagle cardinal black nazarene
Apr 17, 2019 @ 11:46
By

Perform, Reform, Transform hamon ni Tagle sa mga sundalo

Pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang Lenten recollection ng Philippine Air Force (PAF) na may temang, “Airman’s spirituality: A call to Perform, Reform, Transform,” sa PAF Multi-purpose Gymnasium sa Villamor Airbase, Pasay City, noong Martes.

Ayon kay Cardinal Tagle, hindi maaaring maghiwalay ang tatlong katangian na Perform, Reform, at Transform hindi lamang para sa mga kasapi ng PAF o mga katoliko kundi maging sa mga may ibang paniniwala.

Ipinaliwanag ng Cardinal na ang kahulugan ng ‘Perform’ o pagganap ay sa pamamagitan ng paggawa sa ating misyon na nakabatay sa pag-ibig, katotohanan, katarungan at kapayapaan.

Sa oras umano na mangibabaw at umiral sa puso ng bawat indibidwal ang misyon, maisasantabi ang pansariling kabutihan at mamamayani ang pag-ibig sa Panginoon, sa pamilya, sa lipunan at sa bayan ng Diyos.

Sa gitna naman ng pagganap sa misyon ay maraming mga tukso at pagsubok sa bawat isa kaya mahalaga ang ‘Reform’ kung saan ay mabuting balikan ng tao ang kanyang simpleng pinagmulan.

Ang bahagi ng Reform ang pinakamahirap aniya na yugto dahil hindi matanggap ng mga tao ang masamang pag-uugali o ang mga bagong gawain na kailangan nilang alisin at baguhin upang makabalik sa orihinal na pinagmulan ng may kababaan.

Samantala, ipinaliwanag naman ng Kardinal na ang huling punto na ‘Transform’, ay nangangahulugan ng pagbabago ng sarili.

Gayunman hindi umano ito dapat na maging salungat sa “Reform” na pagbalik sa orihinal na pagkatao dahil gagawin ito para sa pag-unlad at kabutihan.

Nilinaw nito na kasabay ng pagpapanibago sa sarili, ay ang pagiging tapat sa ating pinagmulan at sa misyon na dapat gampanan ng bawat tao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?