52

By

‘Perfect 82’ lalaruin ni LeBron?

Sharing is caring!

All-eyes kay LeBron James ngayon kung maglalaro laban sa New York Knicks sa home finale ng Cleveland.

Sa unang pagkakataon sa kanyang career na nagsimula noong 2003, lalaro si LeBron sa lahat ng 82 regular season games ng Cavaliers kung sasalang kontra Knicks.

May posibilidad na magpahinga na si James bago ang playoffs, pero mukhang wala siyang balak na maupo lang sa bench.

“I’m healthy, so I’m playing,” paniniguro niya.

Sa 50-31 ay nasa No. 4 ng Eastern Conference ang Cavs, naunahan sa No. 3 ng Philadelphia (51-30). Nasa unahan ang Toronto (59-22) kasunod ang Boston (54-27) sa No. 2.

Manalo o matalo sa Knicks, sementado na ng Cleveland ang playoff spot kaya may posibilidad na ipahinga ang tuhod ni James para sa mas dikdikang playoffs.

Lunes ng gabi sa New York ay umiskor si James ng 26 at namigay ng 11 assists sa 123-109 win ng Cavs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?