6

By

Perez, Nzeusseu ‘di maawat; Lyceum bitbit ang twice-to-beat

Sharing is caring!

Umarangkada ang Lyceum of the Philippines University (LPU) Pirates para kubrahin ang twice-to-beat advantage sa semis ng NCAA 94 nang gibain ang College of Saint Benilde Blazers 77-64 sa FilOil Flying V Centre.

Sa pagkakapanalo ngayon ng Pirates, laglag na sa liga ang Blazers na tangan ang 8-8 win-loss record.

Aminado si Pirates coach Topex Robinson na nahirapan sila nang sobra sa larong ibinigay ng Blazers pero masaya siya kung paano sumagot ang kanyang tropa.

“The future of that team is really bright and I’m just happy the way they running their program. I’m so happy how our team responded to the challenge,” wika ni Robinson.

Tangan na ngayon ng Pirates ang 15-2 na win-loss record at bitbit na rin ikalawang spot.

“There’s a big lesson from that loss against Letran, it really kept us humble and knowing that we don’t have always the control of what the future will bring to us but what’s important is how we stuck together as a team,” dagdag nito.

Muling nanguna para sa Pirates si CJ Perez na tumapos ng 17 puntos at 10 rebounds katuwang si Mike Nzeusseu na may 13 puntos at walong rebounds

Sa kabilang panig naman, nanguna para sa Blazers si Justin Gutang na may 13 puntos, pitong rebounds at dalawang assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?