4

By ,

Perez, Marcelino pinintahan ang 12-0 para sa Lyceum

Sharing is caring!

Binomba ng Lyceum of the Philippines University Pirates ang 12-0 baraha kasunod ng 95-75 pambubusabos sa Emilio Aguinaldo College, Huwebes ng hapon, Setyembre 13, sa NCAA 94 sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nanguna para sa mga Pirata ang reigning MVP na si CJ Perez na pumoste ng 19 puntos, limang rebounds at tatlong steals.

“The first half usually the energy level of the teams is still there, so we know we’re gonna make some mistakes and what’s important for us is how we sustain it,” sabi ni Pirates head coach Topex Robinson.

Patuloy ang magandang laro na pinapakita ni JC Marcelino ngayong season at para sa kanya ay malaki ang pasasalamat niya dito.

“Thankful lang siguro na every game siguro na ganun ang nangyayari. Ayun nga, sabi nga ni coach sa dugout lagi ‘positive, positive lang lagi’ para kahit anong mangyari sa loob ng court, matambakan, positive lang at makakabalik din kami,” ani Marcelino na tumapos ng 15 puntos, isang rebound at pitong assists.

Samantala, isa sa mga naging dagok ng Generals ay ang kanilang turnovers na umabot ng 38 sa buong laro.

Patuloy ang pagligwak ng EAC na may dalawa pa lang na panalo sa loob ng 11 laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?