127

Sep 4, 2018 @ 19:14
By

Perez, mag-utol na Marcelino isinelyo ang 10th win ng Lyceum

Patuloy ang pag-alagwa ng Lyceum of the Philippines University Pirates matapos nitong makuha ang ika-10 sunod na panalo sa men’s basketball ng NCAA 94 kontra San Sebatian College-Recoletos Stags, 88-70, Martes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nasa tuktok pa rin ang Pirates bitbit ang 10-0 baraha habang lubog sa kumunoy ang Stags, 1-9.

Naging pangunahing bala ng Pirates si reigning MVP CJ Perez na tumapos ng 21 puntos, siyam na rebounds, dalawang assists at limang steals katuwang si Jaycee Marcelino na may 17 puntos at anim na rebounds.

Ayon kay Pirates head coach Topex Robinson, pinaalalahanan na niya ang kanyang tropa na huwag maliitin ang Stags kahit nasa dulo ito ng puwestuhan.

“That’s a big win for us, before this game we reminded this team, don’t be deceived by San Sebastian being 10 in ranking. They’re playing like a final four team, so that’s a reminder to them,” saad ni Robinson.

Pinuri din Robinson ang kambal na sina Jaycee at Jayvee Marcelino dahil sa magandang laro ng mga ito.

Sa kabilang panig naman, si Michael Calisaan ang nanguna na may 17 puntos, 11 rebounds at dalawang steals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?