66

By

Perez handang ipasan ang Columbian Dyip

Kung kakailanganin mang magbakaw, gagawin ito ng top pick sa 2018 PBA Rookie Draft na si CJ Perez.

Saad ni Perez sa panayam sa Spin.ph, nakakaramdam ang Lyceum star ng kaba ngunit bilang 1st pick, handang maging leader kaagad para sa Columbian Dyip na sadlak buhat nang pumasok sa PBA noong 2014 tangan ang pangalan ng Kia.

“Siyempre, matic na ‘yun na energy guy at kahit daw rookie ako, kailangan maging leader ako para maganda ang itatakbo ng team. As of now, nahihiya pa ako pero medyo na-aano ko naman ‘yung pagiging leader ko,” pakli ni Perez matapos ang kanilang tune-up kontra NorthPort Batang Pier, 97-83.

“Matic na ‘yun. Kung kailangan magbakaw, magbabakaw,” dagdag pa niya.

Ito rin ang naging unang paghaharap nina Perez at third overall pick na si Robert Bolick sa pro ranks, ngunit hindi masyadong nagkasabayan nang fourth quarter na magkatapat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?