50

Oct 2, 2019 @ 20:17
By

Perez, Dyip pinatirik si Bolick, NorthPort

Nangibabaw si CJ Perez kay Robert Bolick sa salpukan ng dalawang tigasing rookie ng PBA matapos pangunahan ang Columbian Dyip sa 114-108 panalo kontra NorthPort Batang Pier sa unang laban nitong gabi sa 2019 PBA Governors Cup sa Big Dome.

Umahon mula sa 12 puntos na pagkakaiwan sa unang hati ng labanan ang Dyip sa ikatlong yugto bago nito tuluyang iniuwi ang ikalawang panalo sa loob ng tatlong laro.

”Nagpo-focus lang kami as a team. Iniisip namin na makatulong kami bawat isa sa amin kaya nagiging maganda ang laro,” sabi ni Perez, nagtala ng 26 puntos, 11 rebounds, 6 assists, 2 steals at 1 block.

Nagdagdag naman ang import na si Khafri Alston ng 25 puntos, 17 rebounds, 1 assist at 2 blocks, habang si Rashawn Mccarthy ay may 18 puntos, 4 rebounds, 2 assists, 1 steal at 1 block.

Tumulong si Eric Camson ng 14 puntos at 8 rebounds.

Nahulog ang Batang Pier sa 1-2 panalo-talong karta.

Namuno sa Batang Pier si Bolick sa kanyang 23 markers, 7 rebounds at 10 assists. Nalaglag sa 1-2 baraha ang NorthPort.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?