96
Perez, Bolick markado na kontra Serbians
Sep 2, 2019 @ 14:55
By

Perez, Bolick markado na kontra Serbians

Sina PBA rookies at World Cup debutants CJ Perez, Robert Bolick at Kiefer Ravena ang rebelasyon sa Gilas Pilipinas sa China.

Tinambakan ng Italy ang Pilipinas 108-62 Sabado ng gabi, Agosto 31, sa Foshan International Sports and Cultural Arena, pero nakitaan ng angas ang tatlo.

Walang takot na sumagasa si Perez ng Columbian Dyip, nangolekta ng 15 points off the bench para pantayan ang produksiyon ni Andray Blatche. May 2 rebounds at 3 assists pa siya.

Sa dulo ng second quarter, sumagasa ng dalawang layups si Perez isa mula sa turnover sa kabila.

May 3-pointer pa siya sa fourth, bago ibinaon ang dalawang huling baskets ng laro na naging final tally na.

May 6 points si Bolick, apat dito sa stripe mula sa atake niya sa basket. Nagdagdag ng 5 markers si Ravena.

Kung may positibong nakita si coach Yeng Guiao sa talo, ‘yun ay ang tatlong young guns.

“CJ played his heart out same with Robert Boick and Kiefer,” ani Guiao. “That’s something positive we can pick up from this game.”

Masaklap sa dalawang rookies ang unang tikim ng laro sa world stage. Natambakan.

“Nakulangan kami sa effort, pero sa amin, ginawa lang namin ‘yung best namin,” bulalas ni Perez papasok ng tunnel papunta sa dugout.
Si Bolick, walang masabi.

“Bad trip,” aniya.

Sa pinakita ng tatlo, siguradong minarkahan na sila ng Serbia sa muling pagsabak mamayang 7:30 pm sa parehong venue, Setyembre 2.

Tinambakan din ng Orolovi ang World Cup veterans Angola 105-59.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?